Saturday, December 27, 2008

OMG, I can't help it!!!

Grabe, khit kaharap ko ang mga magulang ko habang kumakain sa isang sikat na restaurant, hindi ko mapigilang tumingin sa mga nag-ga-gwapuhang lalaki sa aking paligid. Grabe talaga! Sobrang gwapo kasi nila, ang dami pa. Parang gusto kong lapitan at sabihin, "Pwede tayo pa-picture?". Para naman hindi ko makalimutan ang mukha nila... hhe.

Ngunit sa kabilang banda, nakalulungkot talagang isipin na ang isang katulad ko na may kailangang pangalagaang reputasyon ang sumisira sa sarili. Ang saki isipin na hindi ka naman puwedeng umibig sa kapwa mo lalaki. haaayyy...

Friday, December 26, 2008

Merry Christmas!

Sa muling pagkakataon, binuksan kong muli ang isang drawer na naglalaman ng mga alaalang gusto kong kalimutan. Ngunit may pagpapatawad tayong tinatawag. hehe