Tuesday, August 11, 2015

Coffee Lover

Isang malungkot na gabi, hindi ko malaman ang gagawin. Kailangang ibsan ang sakit, at sa aking tingin, isang maiinit na kape ang huhupa dito. Dinala ako ng aking mga paa sa aking paboritong lugar pahingahan. Sabihin na nating, lugar kung saan maaari akong makapag isip mag-isa. Kahit matao, pero tahimik naman ang loob nito. Pinili kong umupo sa dulo ng malambot na upuan. Inilapag ang gamit at pumunta sa kahero, walang pila. Napatitig ako saglit, medyo pinagpawisan. Inalis bigla ang tingin. Ang tangkad niya, ang puti, ang kinis. Teka, oorder pala ako. 'Isang Caramel Macchiato, grande.' Simple kong order. Di ako maka tingin. Tinanong niya ang pangalan ko. '*****' sabi ko. nagpasalamat siya at binanggit ang pangalan ko. Ang boses niya, tamang tama sa mukha niya, gwapo. Mukha siyang maasikaso. Pala-ngiti din siya. Maiisip mo, araw-arawin ko kaya dito.

Di rin nagtagal, at tinawag na ang pangalan ko. Hindi muna ako kumibo, tinipa ko muna ang password ng laptop ko. Tumingin ako sa gawing direksyon ng ang aking kape. Nakatingin ang barista, parang gusto niyang ihatid sa akin. Nataranta ako. Ayaw kong kiligin. Tumayo ako at pinuntahan ang in-order ko. Nginitian ko siya, ngumiti rin siya pabalik. Grabe, hindi ko maramdaman ang init ng kape, mas mainit pa ata ang mukha ko dahil sa nararamdaman ko. Kalma lang, sabi ko sa sarili ko. Nilibang ko ang aking sarili sa pakikipag chat sa FB, Viber at Skype. Paminsan-minsan, nakikita ko siyang nakatingin kapag walang customer. Hmmm... Katulad ko kaya ito? Teka, naisip ko, kailangan ko malaman ang pangalan niya. Di lumaon at naubos ko ang kape ko.

Lumapit akong muli sa kahero, ang gwapong barista. Nakangiti siya ng malaki. Nang-aakit ba to? Hindi naman ako mukhang pumapatol sa lalaki, sa tingin ko. Sinabi ko ang kapeng gusto ko at sinamahan ko na ng Banoffee Pie para medyo magtagal pa ako. '*****" right?, sabi niya. Aaminin ko, kinilig ako. At malamang, halata sa mukha ko. Syempre, nag-assume ako kung paano niya naalala ang pangalan ko. Pero hindi, gwapo siya, pogi lang ako. Hahaha! Pero, eto ako, malaking pagpipigil ng kilig ko. Kainis, nakakahiya! Hindi na ako nahiya pa at tinignan ko ang name plate niya. JASPER ang nakasulat. Okay, tatandaan ko ito.

Tinawag na muli ang pangalan ko. Ayan nanaman siya, tumingin ulit siya at mukhang ise-serve niya nga ang binili ko. Pero hindi. Tumayo ako at nakangiting kinuha ang in-order ko. Sa pagkakataong ito, naging mapagmasid na ako. Hindi na sa laptop ang focus ko. Binantayan ko na kung ilang beses ito titingin sa akin. Di ako nasawi, ilang beses ko itong nahuling nakatingin. OMG! Bakit? Pero pakiramdam ko, ang pangit ko ng gabing na iyon. Dahilan siguro na ang gwapo niya masyado at natapakan ang pagkatao ko dahil dito. Hahahaha! Napaisip talaga ako. Marketing strategy ba ito? O sadyang assumero lang ako. Pero, umaasa pa rin ako. hahaha. Sa kadahilanang di ko na kaya at hindi na ako makahinga dahil sa pagpigil ng kilig ko, sinimulan ko nang iligpit ang gamit ko. Inubos ko kahit papaano ang pagkain ko. Madami pa ang kape ko. Binitbit ko ang kape at ang gamit ko. Hindi ako tumingin sa barista, ngunit, sa salamin ng pintuan, kita ko ng malinaw ang repleksyon niya. Pag bukas ng gwardya sa pinto, sinabi ng gwapong barista, Thanks for coming '*****'! At itinaas ko ang isang kamay ko bilang pag sagot ng medyo suplado. Sa huli, ayokong mahuli! Pero mukhang huli na ang lahat. Sa harapan niya pa lang, huli na ako sa kilig ko pa lang. Pero shit talaga! Tanda niya ang pangalan ko. Nag-aassume na naman ako. Hindi ito maaari. Lumakad na ako papalayo bitbit ang kape na hinawakan at sinulatan niya. Tinignan ko, may smiley ito. Lahat naman ng barista, nilalagay ito. Sayang, hindi ito mensahe. Hahahaha!

Teka, malungkot nga pala ako kanina. Nakalimutan ko na! Pag-ibig nga naman.... Chos!

Ilang araw akong hindi mapakali at nais ko ay makita siya. Sinubukan ko ding hanapin ang FB account niya. Pero sawi ako.

Isang araw, lumitaw ang mukha niya, nakita ko din sa wakas! Tinignan ng maiigi ang bawat litrato. Mukhang mabait na bata itong gwapong barista. Higit sa lahat, wala mang bakas ng girlfriend niya ang wall niya, sa tingin ko, straight sya. Broken-hearted na ako. At least, tapos na ang kwento ng pagpapantasya ko na magiging kami. Ang tanong, tama nga ba ang wari ko?

No comments: